Tatak Pilipino, Pusong Pilipino

Tatak Pilipino, Pusong Pilipino

Buwan ng Wika with World Balance

 

Agosto na ulit!

 

Kung naaalala niyo dati, ito ang buwan kung kailan lahat sa school ay hinihikayat na magsalita ng wikang Filipino.

 

Pa-gandahan at pagalingan kayo sa mga performance, at kung minsan pa nga, required tayong mag Filipiniana at Barong Tagalog!

 

Nakakamiss ba?

 

Kaya ngayong Buwan ng Wika, nais naming balikan ang mga alaalang ito at ipagdiwang ang mayaman nating wika at kultura sa pamamagitan ng mga produkto naming lokal at tatak Pilipino!

 

Tara?

Ang Kulturang Pinoy at Disenyong Disney

 

Possible ba ang Pinoy x Disney? Oo naman!

Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan o Independence Day nitong nakaraang Hunyo, inilunsad ng World Balance at Disney ang Mickey Go Philippines.

Oh, diba? Sana all.

Ibinabahagi ng ilan sa koleksyon ang mga signature na kulay na asul, pula, at dilaw na siyang sumisimbolo sa kulay ng bandila natin.

 

Ipagmalaki Mo: Mickey x Bandila Polo Shirt

PHP 699

Magaan at presko, siguradong hahanap hanapin mo ‘to lalo na sa mainit nating panahon ngayon. Dahil gawa ang Bandila Polo Shirt mula sa 100% polyester pique, matitiiyak mong komportable at malambot ito sa katawan.

Ipagmalaki mo ang kulay ng bandila sa pamamagitan ng fashion at style na hindi pahuhuli!

 

Estilong Moderno: Mickey x Bandila Bomber Jacket

PHP 1,299

At habang naririto na rin tayo sa usapang “hindi pahuhuli”, hindi talaga magpapatalo ang Mickey x Bandila Bomber Jacket.

Sa pinaghalong angas ng streetwear at makulay na disenyo, kahit gaano pa ka-simple ang mga katerno nito’y paniguradong magiging kapansin-pansin ang OOTD mo!

Sulong with Style: Mickey x Adarna BG

PHP 1,899

Kitang kita naman sa aming Mickey x Adarna na kapag pinagtambal mo na ang klasik at iconic, asahan mo nang bukod tanging disenyo ang kalalabasan.

Makulay, unique, at buhay na buhay, kuhang kuha nito ang diwang Pinoy na masiyahin, masigla, at pambihira. Kasama ang Mickey x Adarna BG, sumulong na with style at ibida mo ang tatak lokal!



Kulayan ang Agosto: Koleksyong World Balance

 

Kung hindi ka fan ni Mickey Mouse, naku, wag kang magalala!

Dito sa World Balance, marami kaming mga kicks na kuhang kuha pa rin ang nakapupukaw na mga kulay na asul, pula, at dilaw.

[DISCLAIMER: Ang mga sapatos na ito hindi partikular na ginawa o inilaan para sa Buwan ng Wika. Binuo lamang ang artikulong ito alinsunod sa temang asul, pula, at dilaw.]

Busog sa Disenyo: Invictus B69 Ketchup and Mustard

PHP 2,699

Unang una na sa listahan ang Invictus B69 Ketchup & Mustard. Sa pangalan pa lang, maaasahan mo nang hindi ka bibiguin sa matitingkad na mga kulay.

Pinagsama samang materyales na suede, mesh, at leather, napaka premium ng dating nito at umaapaw rin sa style.

At hindi lang itsura ang usapan; bilang sapatos, maraming benepisyong maiaalok ang kicks na ito.

  • Moisture control and ventilation: Ibig sabihin, pawisan ka man, o kahit gaano man ka-intense ang aktibidad mo, sagot ka ng Invictus B69 Ketchup & Mustard!
  • Cushioned steps: Protektado ang talampakan o soles, para ang bawat hakbang mo’y komportable’t malambot.

Sulit na sulit, di ba?

 

Bukod-Tanging Bughaw: Defiant

PHP 2,199

Aba, syempre, hindi tayo papayag na walang representasyong bughaw o asul sa listahang ‘to.

Kung ang hanap mo ay sapatos na pang cross training, hindi ka madidismaya sa kayang ibigay ng Defiant.

Sa Ingles, ang ibig sabihin ng salitang defiant ay hindi sumusunod sa pangkaraniwan.

At talagang hindi – matitiyak naming hindi ito tulad ng mga ordinaryong sapatos. Ang Defiant ay talagang idinisensyo para sa training at performance, para siguradong pulido ang kilos at komportable ang bawat galaw mo.

 

Simpleng Agaw Pansin: Templar M

PHP 2,199

Kung ang taste mo naman ay ‘yung mas subtle pero siguradong aani ng maraming papuri, ang Templar na nga ang para sayo.

Kahit sa simpleng kombinasyong pula at dilaw na kontra sa itim, kahit sino’y siguradong mapapatingin!

Dahil gawa sa knit, preskong presko sa pakiramdam ang bawat hakbang mo. Flexible rin siya – kaya hindi masakit suotin kahit bago pa yan dahil susundan niya ang hugis ng paa mo.

Unang suot pa lang, solve ka na!

 

Hindi Ka Aatrasan: Harbinger (Maroon)

PHP 1,999


Syempre, hindi magpapatalo ang World Balance Women!

Bagama’t mas nangingibabaw ang pula o maroon sa pares na Harbinger, angkop na angkop pa rin ang estilo nito sa tema natin ngayon.

Kung hindi mo naitatanong, gawa lang naman ito sa premium na materyales na cow suede – kaya walang duda, alam mong matibay at pangmatagalan ang sneakers na ito.

Mayroon ding bounce pad insole ang pares na ‘to na hinding hindi aatras sa mga athleisure activities mo!

 

Rampa with Confidence: Kaia City Pack (Madrid)

PHP 2,099

Kung kulay pula lang din ang usapan, ipagmamalaki na namin ang Kaia City Pack Madrid. Kuhang kuha ang streetwear at edgy style, siguradong rarampa ka with confidence!

Gawa sa mga materyales na air mesh, elastic mesh, at cow suede, sulit ang presyo dahil alam mong premium ang kalidad at mapagkakatiwalaan mo ‘to sa bawat aktibidad, galaw, at hakbang mo.

Meron ding bersyong Miami at Sydney na bagama’t iba ang colorway, kayang kaya ka ring tulungang rumampa with confidence!

Magpakitang Gilas with Bonafide

PHP 1,999


O, bakit puro pula, at walang asul?

Heto na!

Buong navy man o kaunting asul lang ang gusto mo, maibibigay yan ni Bonafide nang walang palya.

Pero bukod sa nylon mesh na materyal at bounce pad insole, glow in the dark din ang Bonafide. Angkop na angkop sa ugali nating kayang mag stand out at magningning kahit sa dilim.


O, maitatanggi mo bang isa ito sa mga hinahangaang katangian nating mga Pinoy?

Kahit saan man tayo mag punta, mayroon at mayroon tayong maibabahaging sariling atin.

Bilang ang World Balance ay tatak Pilipino, lagi’t lagi naming ipagmamalaki ang tatak lokal.

Sana’y maalala natin muli ngayong araw kung gaano ka-ganda ang wika, kultura, at produktong Pinoy. Kayang kaya nating makipagpasiklaban lalo na’t kung kalidad at kahusayan naman ang usapan!

Kung may nagustuhan ka sa listahang ito, ano pang hinihintay mo? Shop World Balance na!

 

______________________________________________________________________________

 

 

 

 

 



Did you find it helpful?
LIKE (1)
DISLIKE

Related Products